WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Sunday, April 17, 2016

Si Duterte ang aking Presidente. ‪#‎DU30‬

By: Ymatruz | Sunday, April 17, 2016 Category: |

Likha ng isang magiting at walang bahid ng kasakiman sa yaman ng bayan, yan ang pangarap ng isang tulad ko sa kinabukasan ng Pilipinas.

Yaon bang isang lider na mangingibabaw sa kanyang mga gawa ang kapakanan ng mga Pilipinong hirap na namumuhay sa sariling bansa. Hindi lang ang mga literal na masang salat sa pera ang usapin dito bagkus pati na rin ang pamumuhay ng mga tao na balot ng takot gawa ng mga kriminal at halang ang kaluluwa.

Kaylala na ng sakit ng Pilipinas. Sa tuwing uuwi ako para magbakasyon, kitang kita ko ang ebidensya ng papalubog na sistema sa gobyerno at kakulangan sa disiplina ng karamihan. Nasasabi ko tuloy sa aking sarili, bakit ganito na ang Pilipinas ngayon? Kahit saang anggulo mo tingnan, polusyon, mas higit na traffic, mataas na presyo ng bilihin, mabagal na internet, mahal na tawag sa telepono, mas malalang krimen, hirap sa paghahanap ng trabaho, populasyong di mahulugan ng karayom...lalo pang dumarami ang naghihirap na mamamayan habang patuloy na namamayagpag at nagpapakasiya ang mga iilang mayayaman na negosyante. Hindi balanse ang lipunan, sadyang may kulang. Bayan kong Pilipinas, nasaan na ang "lupain ng ginto't bulaklak"? Bakit puro problema at bulok na sistema na lang ang kinakanlong mo?

Image source: http://newsinfo.inquirer.net/files/2016/01/20160121lr03.jp
Si Duterte ang aking Presidente at siya sa aking palagay ang makakapagpabago at makakapag-aangat sa bansa. Kung siya ay manalo, tayo ay tumulong at makibahagi para sa ating ikabubuti na rin. 

Naalala ko noon, pilit kong pinaglaban si Erap sa aming opisina, ako laban sa lahat na pumapabor sa pagpapatalsik sa kanya sa pagka-Pangulo ngunit ang humalili ay isa din namang magnanakaw sa bayan at lalo pa ay mandaraya sa halalan. Hindi ko malimutan ang kanyang mapagkunwaring ekspresyon sa kanyang "public apology". Naalala ninyo pa ba si Hello Garci?

Kay tagal kong hindi bumoto dahil nawalan na ako ng bilib sa mga kandidato. Ngunit sa pagkakataong ito, ayaw kong sayangin na hindi makalahok ang aking boto.

Si Duterte ang aking Presidente at inaral ko din yan mula sa kanyang malasakit sa aking mga kababayan at mayamang karanasan bilang isang makabagong lider. Ngunit lab ko din si Miriam. Ang mga trapong kandidato, itapon na yan!

UPDATE:
The main photo used in this post was a late upload (May 2016) 
Unang inilathala ang post na ito sa Ymatruz Instinct website.


SHARE THIS POST: