KALESA: the traveling makata ay pinaghalong "The Traveling Poet" at ang kahulugan nito sa Tagalog na "Ang Makatang Naglalakbay". Dito sa Kalesa Journal ay inyong mababasa ang mga Tagalog na tula (Tagalog poems) na akdang Filipino.
Ang salitang kalesa ay halaw sa Spanish na salitang "calesa". Kutsero ang tawag sa nagpapatakbo nito. |
OUR MISSION
Adhikain ng journal na ito na ipakilala ang mga tradisyong Filipino na unti-unting nababaon sa limot. Nais naming maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture. Ang mga usaping pambansa o kahit pang-international ay ating isinasaalang-alang. Kung tayo ay may mga damdaming nais iparating sa iba, hindi ba mas maganda kung gagamitin natin ang sining at panulat upang bukal na maibahagi sa mabuting paraan ang nais na pagbabago o isinasaloob?
OUR VISION
Ipakilala at ipalaganap ang Philippine Arts & Culture sa masa.
ABOUT US
Ang kalesa (na kilala rin sa tawag na karitela) ay sinaunang gamit-transportasyon na kung saan ay hinihila ng isang kabayo sa likod nito ang mala-kariton na yari sa kahoy at bakal kung saan ay maaring maupo ang pasahero. Kutsero ang tawag sa nagpapatakbo nito.
May mga kalesa na mala-Kastila ang dekorasyon at bihira itong makikita sa kalsada. Ang kalesa ay halaw sa Spanish na salitang "calesa". Kadalasan ito ay makikita sa mga pang-turistang lugar gaya ng Luneta sa Manila or Vigan sa Ilocos.
Samahan natin ang KALESA sa paglalakbay!
Gamitin ang lenggwaheng Filipino o kahit Tag-lish sa pagsusulat ng tula, maikling kwento, essay o kwentong kutsero, na ang tema ay seryoso o katatawanan basta at alam nating may maituturo tayong maganda sa ating mambabasa at makapag-iiwan ng tuwa at pagmumu-mumuni na magpapaunlad sa kaisipan ng karamihan. O kung ikaw ay isang artist na nais ibahagi ang iyong sining, ito na ang iyong pagkakataon para mas makilala ang iyong creations.
Kung kayo ay isang professional, estudyante, guro, OFW, karpintero, magsasaka, isang ina ng tahanan or kahit ano pa, halina't makibahagi tayo sa sa tagumpay ng KALESA!

Interesado ka bang maging isang "guest" writer?
Bisitahin ang aming Submissions page.
Bisitahin ang aming Submissions page.
Ang editorial team ay maaring kontakin sa link na ito at sila ay handang gumabay upang mailathala ang inyong mga panulat.