WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Tuesday, October 3, 2017

Munting Tula: Paalam

By: Ymatruz | Tuesday, October 3, 2017 Category: |
"Paalam"

Katuwang ko ang alon
Sa paglimot ng kahapon
Sa kailaliman ng dagat
Duon ay ibabaon ko
Ang ating masayang alaala

Magtatampisaw na lamang
Sakay ng aking balsa
Sakaling magbabalik muli
Sa aking kaisipan
Ang ating pagsinta

Ako'y ngingiting pilit
Habang ikinukubli ang luha
Sa kaibuturan ng puso ko
Dahil sa iyong paghayo
At huling paalam.

SHARE THIS POST:

No comments :