Pagdating ng araw, sisikat din ako.
Higit pa sa Inang Araw, kikinang
ang aking mga pangarap, kikintab
higit pa sa punyal na pinapanday
ng aking kaisipan.
Kasunod ng gabi, magliliyag pilit
ang bukang-liwayway. Magliliyab
ang bagong umaga at muling lilikas
mula sa pighati at gutom ng sining
na likha ng aking katauhan.
Ang gawang usbong sa puso, kikislap
gaya ng bituin sa langit, kikisap
ang akmang tagumpay at mag-uusap
sa teatro ng artistikong agham
ang ating Sining at Kultura.
Kapwa ko Pilipino, tayo man ay hahayo
sa sansinukob ngunit babalik rin sakay
ng kalesang lumilipad sa hangin, tungo
sa lupang kanlungan at ligayang tunay
ng ating kamusmusan.
Dala ang medalyang ginto — layon ay
pagmamalaki ng dugong dumadaloy
sa ating katawan.
Higit pa sa Inang Araw, kikinang
ang aking mga pangarap, kikintab
higit pa sa punyal na pinapanday
ng aking kaisipan.
Kasunod ng gabi, magliliyag pilit
ang bukang-liwayway. Magliliyab
ang bagong umaga at muling lilikas
mula sa pighati at gutom ng sining
na likha ng aking katauhan.
Ang gawang usbong sa puso, kikislap
gaya ng bituin sa langit, kikisap
ang akmang tagumpay at mag-uusap
sa teatro ng artistikong agham
ang ating Sining at Kultura.
Kapwa ko Pilipino, tayo man ay hahayo
sa sansinukob ngunit babalik rin sakay
ng kalesang lumilipad sa hangin, tungo
sa lupang kanlungan at ligayang tunay
ng ating kamusmusan.
Dala ang medalyang ginto — layon ay
pagmamalaki ng dugong dumadaloy
sa ating katawan.
SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment