Ang pangarap ni Ivy ay makasali sa FAB's club tulad ng kanyang mga
kakilala. Ibig sabihin ng FAB ay Foreigners Ang Boyfriend. Ewan, basta
yun ang goal niya after makagraduate ng kursong Tourism mula sa isang
sikat na university na kanyang pinapasukan. At hirit pa niya, gusto nya
nang blue eyes na baby.
She is a big dreamer. Kaya minsan tinatanghali ng gising sa dami ng napapanaginipan. At kapag umaga na, lalo at nag-iisa sya, kahit saan abutan ay laging nagde-daydream. Yun aktong nakahalumbaba pa sabay nakatingin sa kisame na tila binibilang lahat ng butiking dumadaan. Isipin mo na lang kahit nasa labas ng bahay minsan. Aba, e paano niya kaya binibilang ang mga ibong lumilipad sa kalangitan?
At dahil January na, two months na lang ay tapos na sya sa pag-aaral at malaya nang makipagrelasyon. Yes, you heard it. Never pa nagka-boyfriend ang ating bida. Ikaw na ang may Army General na ama. Sus, ginoo! Mahigpit pa sa sinturon sa pagdisiplina sa kanilang dalawang magkapatid.
"I see a white guy, black wavy hair. He's wearing a T-shirt with a big white star symbol of blue background. Tapos parang may nakapalibot na target logo sa star," sabi ni Ivy sa kapatid na bunsong si Ron, habang hawak-hawak niya ang Nikon Monarch binoculars. Nakasampa sya sa outdoor chair sa may balcony ng bahay nila habang ang kapatid ay abala sa pagpipinta.
Napakunot-noo si Ron. Tumingin siya sa direksyon ni Ivy. "Captain America shirt yun, ate. Ang tange mo naman," sigaw ni Ron. Itinaas niya bahagya ang dalawang kamay mula sa pagkakangalay sa mahabang oras na paghawak sa brush. Madalas ay sa kanyang kwarto niya ginagawa ang kanyang hobby. Pero ngayon ay inaya siya ni Ivy na tumambay sa balcony ng bahay nila. Sabado ng hapon at di masyado maalinsangan sa labas.
"Ikaw na ang genius! Wala akong alam sa cartoons, eh!" baling ni Ivy kay Ron. Inikot niya ang tingin sa paligid, hawak pa din ang binoculars. Tapos ay napakagat labi siya habang nakapameywang ang kaliwang kamay at ginalaw-galaw ang mga binti, anyong may malalim na iniisip ngunit wala naman syang nakikitang mga tao sa kapitbahayan maliban sa ilang batang naglalaro ng tumbang tsinelas sa may basketball court na tanaw malapit sa kanila. Private subdivision ang kanilang tinitirhan. Magdadapit-hapon na at hindi na masyadong matirik ang araw sa mga oras na yun.
"Hindi lang cartoons ang Captain America. Madami na ding magandang movie ngayun, yun gawa ng Marvel like Ironman or Thor." ani ni Ron.
"Ah, Thor, I know that. I'd seen it with my friends. Gwapo kasi ng artista dun. Nakakalag-lag nang...panga. Ha-ha!" sabi ni Ivy na napahalakhak ng malakas.
Sumasagi sa isip niya ang mukha ng isang white guy na nakita niya kanina. "Mukhang hindi siya taga-rito. Siguro ay may dinalaw lang. In fairness, pasado sya sa taste ko," bulong ni Ivy sa sarili. Pasakay na sa kotse ang lalaki ng kanyang huling nakita.
Pansamantalang tumigil si Ron sa ginagawa at lumapit kay Ivy na bumaba na mula sa upuan. Sabay pindot ng ilong nito. "Kayo talagang mga babae, basta macho kinikilig kayo."
"Patpatin ka kasi," tukso ni Ivy sa kapatid. "May itsura ka naman." Nakaismid si Ivy habang sinasabi ito at hindi alam ni Ron kung nagpapatawa lang ang kapatid niya.
"Bakit hindi mo alam yung logo ng shield ni Captain America. Kahit kaya 2-yrs old mare-recognize ayun, no!" Palingon-lingon si Ron kay Ivy habang dalawa sila ay bahagyang nakasandal sa metal railings ng balcony at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa kapitbahay.
"Napanood ko din yun dati yun unang labas na movie. Muscle guy din ang bida dun. Matagal na kaya siguro di ko na maalala." Pilit iniisip ni Ivy kung kailan nga ba niya napanood ang movie pero di na niya ma-recall. Hindi rin kasi niya hilig manood ng kahit anong super hero movie hindi gaya ni Ron na walang pelikulang pinapalampas. Pero mahilig siyang manood ng ibang Hollywood movies kapag naaaya ng mga kaibigan.
"Tapos ka na ba, bro? Ligpitin mo na yang mga gamit mo. Tara na sa loob." tanong ni Ivy.
"Sige. Madilim na din, eh." sagot ni Ron.
Bumaba na si Ivy at sinasabayan niya ng kanta ang pinakikinggang lovesong mula sa phone nya. Wala syang headset kaya dinig ng kanyang mommy ang kanyang pagbaba. Sumalampak sya sa sopa, nakataas pa ang dalawang paa.
"O nandyan ka pala, Ivy. Pwede mo ba kong tulungan dito sa kusina? Request ng daddy mo ay kaldereta. Ikaw ang mag-gayat ng karne," malakas na bigkas ng ina kay Ivy. "Parating na daddy mo siguro galing sa meeting ng mga kaibigan nya."
"Ok, Ma saglit lang po, " Napabuntong-hininga si Ivy. Kasisimula pa lang nya kasing mag-Facebook at gusto nya sanang makipag-chat sa bestfriend nyang si Neri.
Ilang minuto pa ang nakalipas...
"Ivyy!" Sigaw ng kanyang ina. Pinakaayaw kasi nito ang pinaghihintay siya.
"And'yan na po, Ma," napabalikwas si Ivy sa pagkakaupo at nagmamadaling pumunta sa kusina.
Nagkukwentuhan ang mag-ina habang busy sa pagluluto at napadako ang usapan tungkol sa kapitbahay nilang si Maureen.
"Alam mo bang dumating ang kapatid ni Tita Maureen mo galing sa Amerika? Kagabi yata dumating. Kasama ang anak na binata. Magbabakasyon daw ng one month." Napatigil si Maureen sa pag-gagayat.
"Pinoy ba ang asawa nung kapatid nya, Ma?" curious na tanong ni Ivy.
"Aba, hindi. Kano ang asawa niya. Ang pogi nga raw ng anak. Akala mo purong puti." paglalahad ng ina ni Ivy.
"Ano ka ba naman, Ma? Para kang nagdedescribe ng manok. Pede namang white skin sabihin mo no," ani ni Ivy.
"Eh, pareho lang naman yun ah. Tinagalog ko lang."
Napaisip si Ivy. Siguro yun ang lalaking nakita niya kanina na sumakay ng kotse. "Mabuti na lang pala ay tinulungan ko si Mama. Ano kaya ang pangalan niya?" sabi ni Ivy pero sa isip lang niya. Feeling ni Ivy, gusto nyang kumerengkeng para makilala nya ang guy. She has now a chance para makapasok sa FAB club kaya ayaw niya palagpasin ang pagkakataon. She has to find a way to meet this tisoy guy na pamangkin pala ng kapitbahay nila.
"Plan. Plan. Plan. Arghh, call a friend!"
Kinabukasan bago magsimba ay kinausap ni Ivy si Ron kung gusto niyang magbowling. Pwede daw niya ayain ang kaibigan niyang si Peter [anak ni Maureen] para madami sila. Pumayag naman si Ron ang kaso sa isang kondisyon. Si Ivy ang hihingi ng approval sa kanilang ama para payagan silang makalabas kinahapunan. Knowing their Dad, goodluck kung anong strategy ang gagawin ni Ivy para mapapayag ang ama. Sa laki ng boses nito at talagang mapapautal kahit sino. Dagdag pa na malaking tao sa taas na 5'11 at matipuno ang katawan. Dating sundalo eh, ano pa.
The timing is perfect. Kumain sila ng brunch sa isang simpleng restaurant. Yun na kasi ang routine nila tuwing linggo. Medyo maamo ang mukha ng ama after nilang magsimbang mag-anak. At himalang pumayag ito sa request ni Ivy. Hindi lang yun, nakangiti ng bahagya ang ama. Sa tingin ni Ivy, parang may angelic halo ang Daddy niya today. So umuwing ngumingiti ang puso ng dalaga at ang tanging dasal lang niya now ay nawa ay bitbitin ni Peter ang amerikanong pinsan.
Kapag nangyari yun, wow na wow ang kanyang plan execution.
Parang sinasadya ng tadhana. Destiny is here... and he is white. Kapag matangos pa ang ilong ay double blessing na sobra. Blue eyes? Oh, heaven!
"Kahit mukhang asungot si Peter, carry lang. Ang goal ko ay makilala si Captain America."

– TO BE CONTINUED –
SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment