Mahilig ka bang manood ng sine? Good. Marami ka sigurong libreng movie passes. Kasi naman, mahal ang sine ngayun ha! Kaya nga ang iba, nagkakasya na lang sa pag-aabang ng pelikulang ipapalabas sa TV.
Alam mo bang, sa lahat ng ayaw kong panoorin, nangunguna ang horror movies. Hindi ako pwedeng manood sa sinehan dahil tiyak sa kaunting kibot ay mapapasigaw ako. Abala sa ibang viewers, eh baka batuhin ako ng popcorn.
Bakit ayaw ko ng horror?
Simple. Dahil malamang dadalhin ko ang mga eksena sa aking panaginip. Mas masama pa halo-halo ang nagiging panaginip ko at baka ako'y bangungutin.
Kagaya kagabi, nagbukas ng Netflix ang husband ko at next in line sa listahan niya ay ang Fairlane Road. So habang nagdidinner, ay nakiupo ako sa living room at nakipanood. Minsan gawi namin na kumain sa coffee table, for a change. At gaya ng inaasahan, napatili ako sa ilang eksena. Ayoko talaga ng nakakatakot na palabas! Pero in fairness, the movie is not really bad. I have seen worst kaya nasabi ko ito.
After the movie, sleeping time syempre and dreaming moments for me.
Pagkagising ko kinaumagahan, heto ang kwento ng aking panaginip:
May isang buntis na ginang na tila nag-investigate sa bahay ng isang babae (about 50 years of age), habang wala ito sa bahay. Sa ikalawang pagpunta niya ay dinatnan siya ng matandang babae at may kasama itong isang lalaki (let us call him first guy) na sa eksenang iyon ay malabo ang kanyang pustura (I cannot see clearly yet). Nagalit ang matanda at pinagtulungan nilang dalawa ang buntis, nakita mo na parang may isinapok sa ulo nito.
Ang sumunod na eksena, meron isang guy na inaalam nya kung anong totoong nangyari. Nakita ko ang scene ay sa may hospital. Pinalabas ng matandang babae na nahulog sa hagdan ang buntis habang may dala-dala itong isang tray ng itlog. Hindi dugo ang nakita ko sa may ulo niya, kundi ang likido mula sa napisak na mga itlog, (Reminder lang po, ito ay isang panaginip lamang). I could imagine kung gaano kalagkit sa pakiramdam kapag binagsakan ka ng mga itlog. Eww...
Pagkatapos ay dumating ang isang may kaliitang lalaki na medyo makapal ang buhok na parang square cut. Nagdududa ang second guy na may kinalaman ito kaya hinabol niya. Lumabas sa panaginip ko na yung first guy na kasama ng matandang babae at itong may kaliitang lalaki ay iisa. Tumakbo yun first guy palabas at meron siyang taksi. Ah, driver pala ng taksi si manong.
Anyway, bumalik sa eksena ng aking panaginip ang buntis (na akala ko'y nadedo na) at sumakay sa taxi.
Naguluhan ba kayo? Ako din, eh. Ang masaklap pa nito, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kasi nagising na ako. Umaga na po!
Sa susunod na managinip ako, I will share ulit sa inyo.
Marunong ba kayo mag-analyze ng panaginip? Para sana matayaan ko sa jueteng. Charot! Sa lotto, pala.

SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment