WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Saturday, September 10, 2016

Umaasa Ang Duwag Kong Puso

By: Ymatruz | Saturday, September 10, 2016 Category: |


sa larawan mo'y nabihag
itong aking puso.
kung minsan ay naduduwag
na lumapit sa'yo.

kung hindi man magtagpo
yaring ating landas,
kaylan ma'y di maglalaho
pag-ibig na wagas.

sa aking pag-idlip
ay kasa-kasama ka.
at sa aking panaginip
hawak-kamay tayong dal'wa.

#kalesajournal #tulangpagibig #lovepoem

Ang pusong busilak ay singganda ng bulaklak.
Image from Free Pretty Things for You



SHARE THIS POST:

No comments :