Pasintabi sa mga mambabasa: Paminsan-minsan ay hindi po natin maiiwasan na magsulat tungkol sa mga isyung politikal.
Inihalal ka nang taong bayan sa pag-aakala, na iyong gagampanan ang tungkulin sa bansa at sa mga Pilipinong umaasa ng pagbabago, tungo sa kaunlaran at pagkaahon sa kahirapan. Umasa silang tunay ang ipinakita mong kababaang loob nung mga panahon na hinuhulma ka ng grupo ng obligarkiya para maging pambansang kandidato.
Sa pamamalakad ng ating pangulong Duterte, unti-unting umuusbong ang mabuting bunga ng kanyang mga pangako sa dumaang halalan, habang ikaw ay patuloy na inilulubog ang pag-asa ng taong bayan para sa isang payapa at mayabong na bansa, dahil sa iyong pansariling interes at dahil sa importansyang ibinibigay mo sa iyong partido. Binigo mo ang mga taong nagtiwala sa iyong kakayahan. Nakalulungkot isipin na hindi ang masang Pilipino ang iyong pinagsisilbihan. Malinaw pa sa sinag ng araw ang iyong totoong kulay - dilaw at huwad na politikong takot sa sariling multo, isang sunud-sunuran sa mga piling tao na humubog at nagluklok sa iyo na maging bise-presidente.
Hindi bulag ang masang Pilipino. For the sake of dignity, kahiya-hiya man, maari mong bigyan ng konsiderasyon ang iyong pagbibitiw sa iyong posisyon. Ito ang isang mabisang paraan para maiparating mo sa mga Pilipino ang iyong bukal na adhikain, kung mayroon man, kaya ka tumakbo bilang pangalawang pangulo. Na ikaw ay walang bahid dilaw. Baka nga mahalin ka pa ng mga tao kapag ito'y nagawa mo.
SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment