Anuman ang nilalaman ng iyong puso at malikhaing kaisipan, naghihintay kami sa iyong kuwento!
Kung ikaw ay isang blogger o nasa hilig ang pagsusulat na nais magbigay ng inspirasyon sa iba at may mabuting pananaw o isa kang artist na nais ibahagi ang iyong sining, ito ang tahanan para sa iyong panulat at creations.
O kung mayroon kang magandang kuwento ng buhay at naghahangad na mailathala ang inyong nilikha, sa anumang uri ng panulat - maging ito ay sanaysay (essay), tula, maikling kuwento, or malikhaing panulat, ito na ang iyong pagkakataon.
Mabuting tema na maaring seryoso o nakakatawa basta ito ay magbibigay ng positibong pagganyak sa iyong mambabasa.
Mayroon ka bang kapaki-pakinabang na mga tips at tricks, how to's or Top n's na nais ibahagi?
Halina at ipadala ang inyong mensahe para sa pasimula.
Subalit mayroon kaming kaunting guidelines sa pagsusumite ng iyong mga artikulo:
- Panatilihin ang mga ito ay orihinal. Hindi namin maaaring hayaan kung plagiarized ang nilalaman ng iyong gawa. Dapat ito ay certified fresh.
- Dapat ay mahusay ang pagkakasulat at mahusay din ang kalidad. Gusto namin ang iyong panulat kung ito ay tagos sa puso at magbibigay ng inspirasyon sa mga mambabasa.
- Dapat ay naglalaman ng hindi bababa sa 500 + salita para essays at kung may kasamang imahe, ito ay may mataas na kalidad ng imahe na may kaugnayan sa iyong post na pag-aari mo o may naaangkop na kredito sa photographer
- Bawat tula ay hindi hihigit sa isang pahina. I-sumite ang 1-3 tula na nasa .pdf or .doc format gamit ang Times New Roman - 12px font. Kung may imaheng kasama na may kaugnayan sa tula , dapat itong magkaroon ng naaangkop na kredito sa photographer.
- Isama ang maikling bio ng may-akda na tumutukoy sa iyong background sa ilalim ng iyong email message kasama ang mga link sa iyong website (kung mayroon man). Kung ang iyong tula ay nangangailangan ng isang espesyal na format, ipaalam sa amin sa iyong email at kami ay magaayos ng paraan para iyong maipadala ang attachment.
- Iwasan ang hate, racism , artikulo na nanghihikayat ng terorismo o anumang submissions na nagsusulong ng negatibong encouragement. Tandaan ang KALESA ay naka-focus sa positibong motivation at ideas sharing.
- Hindi kami magbibigay ng bayad kung ang iyong trabaho ay tinanggap. Mananatili sa may-akda ang mga karapatan ng kanilang mga gawa. Kapag isinumite mo ito sa amin, pinagtitibay mo na ang article or art image ay ganap mong nilikha at pagmamay-ari mo ang copyright nito. Ilalagay namin sa archive anuman ang mailathala na mga artikulo at ito ay nasa pag-iingat sa aming archive maliban kung magpadala ka ng naaangkop na kahilingan na ang iyong artikulo ay permanenteng i-delete sa archive.
Maghihintay kami!
No comments :
Post a Comment