Home » Archives for January 2019
Thursday, January 17, 2019
Pugon
Tuwing alas-dos ng hapon, heto ako at abala sa init ng pugon. Hinuhulma ang hugis ng kinabukasan. Mapupulang palad ay maalab na tumutugon sa hiling ng isip kong balik-balikan ang hilera ng mga pandesal na kailangang maisalang sa apoy hanggang mamula
