WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Thursday, January 17, 2019

Pugon

By: Ymatruz | Thursday, January 17, 2019 Category: |
Tuwing alas-dos ng hapon, heto ako at abala sa init ng pugon. Hinuhulma ang hugis ng kinabukasan. Mapupulang palad ay maalab na tumutugon sa hiling ng isip kong balik-balikan ang hilera ng mga pandesal na kailangang maisalang sa apoy hanggang mamula ang kanilang mga balat at maglakbay ang kanilang halimuyak sa paligid. Masarap na amoy na nakakabusog, nag-aanyaya ng pag-asang sa bawat hirap ay may kapalit na saya. Pagkatapos ko ako'y tatakbo patungo sa tabing dagat upang sa sandaling pahinga, ika'y makasama.

Nag-uumapaw ang saya ng dagat sa bawat bagsak ng naglalampungang mga alon. Tumitilamsik sa aking mukha ang luha ng kaligayan. Ganito tayo noon. Bitbit ang gasera'y ating nilalanghap ang malansang amoy-dagat ngunit sa ating pang-amoy ay singtamis ng pagsintang lumulutang sa tubig; sakay ng bangka tayo ay punong-puno ng pag-ibig.

SHARE THIS POST:

No comments :