WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Friday, May 3, 2019

Alamin ang Tunay na Pinagmulan ng Lahing Pilipino

By: Ymatruz | Friday, May 3, 2019 Category: |
Isang gabi noong nakaraang taon, ako ay nanaginip ng isang malawakang pagbaha. Napakataas ng tubig at kung hindi ako nagkakamali, lampas tao iyon. Umabot sa kisame ng ibabang bahagi ng ikalawang palapag ng isang bahay. Narinig ko ang salitang "umapaw ang Pasig River."

Nang sumunod na gabi, nakita ko naman sa isang panaginip ang aking mismomg mga kanayon, kaibigan at pamilya na nagsisilikas. Bata, matanda. Lahat ay tahimik na naglalakad. Wala silang bibit na mga gamit maliban sa iba na may bibit na malinggit na bag or backpack. Iniwan ang kani-kanilang tahanan ngunit hindi ko alam kung saan sila patungo. May nakita din akong mala-owner type na sasakyan. Sa mga oras na iyon, bagamat maputik ay wala akong nakitang mataas na tubig. Hindi ko alam kung iyon ba ay humupa na o kung ano.

Inyong maitatanong kung bakit ko ito ibinabahagi sa inyo. Sa tuwina ako ay madalas na nananaginip. At dahil sa mga pangitain habang nakapikit ang aking mata ay bumukas ang aking isipan na may nalalapit na malaking kaganapan na may kinalaman sa propesiya ng bibliya.

Sa mga kababayan kong Pilipino, ang maraming probinsya ay abala sa pagsalubong sa nalalapit na pagdating ni Hesukristo at pagtanggap sa tunay na pinagmulan ng lahing Pilipino bago ang panankop ng mga kastila. Ang Pilipinas ay bahagi ng bibliya at ang pangalan nito ay Ophir.

Alam ba ninyo na ang banal na pangalan ng ating Diyos ay Yahuah. At ang ating Messiah na si Hesukristo, ang banal na pangalan ay Yahusha? Si Yahuah ang ating kaligtasan at iisa lamang ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, si Hesukristo (Yahusha).

Walang santo na yari sa kahoy o luwad ang makapagliligtas sa atin. Tanging sa pagkakaroon ng malinis na puso't kaisipan at taimtim na pananampalataya lamang sa Diyos at kay Yahusha, tayo ay maliligtas.

Taimtim na panalangin sa tuwina, paghingi ng kapatawaran na galing sa puso kahit kayo ay nasa bahay lamang, basta at tahimik ang paligid kung saan kayo ay nagdarasal.

Maraming kaalaman ang inyong matututunan sa Youtube channel ng The God Culture. Para sa mga naglilingkod sa Diyos, kung inyong nais para sa inyong komunidad na magkaroon ng konperensya sa inyong bayan, o ibig ninyong dumalo sa pagtitipon sa ibang mga lugar, mangyaring makibahagi lamang sa kanilang website. Libre po ito.

SHARE THIS POST:

No comments :