WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Thursday, November 9, 2017

Lintik lang ang Walang Ganti

By: Ymatruz | Thursday, November 9, 2017 Category: |


Lintik lang ang walang ganti,

hiyaw ko

sa insektong kumagat
sa aking braso,
napakasakit
at pulang-pula sa maga.

Ano bang meron ngayong buwan
at wari ay kapistahan
ng mga pesteng nilalang
na nagpakasasa
sa aking dugo't laman?

May kagat ako sa hita,
sa may hinlalaki,
sa may pulso,
pati sa aking pisngi.

Kahit saradong-sarado
ang aming pinto't bintana
nakakalusot pa rin
ang mga insektong salarin.

Wala namang kakaiba
sa aking katawan.
Bukod tanging ang nagbago
ay ang Jergens lotion
na aking nabili
sa murang presyo.

Ito'y may kemikal
na nag-aanyaya
sa lamok at kulisap,
at may halimuyak
gaya ng isang bulaklak.

Kaya aking payo
wag na wag bibili
ng kahit anong lotion
na may Alpha Hydroxy,
kung ayaw ninyong mawala
ang gandang taglay
ng inyong makinis na balat
na kayumangging tunay.



SHARE THIS POST:

No comments :