WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Friday, October 20, 2017

Kwentong OFW: Magkano na ba ang Jollibee at McDo Meals Ngayon?

By: Ymatruz | Friday, October 20, 2017 Category: |
Noong 2013, nagbakasyon ako sa Pilipinas at tumuloy kami ng aking asawa sa isang hotel sa Makati for one night, dahil hatinggabi na kami dumating sa airport. Kinaumagahan, nag-aya akong pumunta kami ng mall pagkatapos naming magsimba saglit sa Sto.Nino de Paz Chapel in Greenbelt. Medyo nagikot-ikot muna kami around kahit kainitan ng araw. Panay puri nga ako kasi maganda at malinis ang paligid at madami na ring nabago sa lugar.

Kalaunan ay pumasok kami sa isang mall. Syempre, inspection to the max ang guwardya sa dala naming back pack. Kahit hindi sanay ang asawa ko na binubuksan ang bag kapag pumapasok ng mall, ay nagcooperate naman sya. Hindi kasi ganun sa bansa nila. Madalang kang makakakita ng security guard. May detectors lahat ng entrance at exit doors.

Pagpasok namin sa mall ay naramdaman ko ang uhaw. So palakad-lakad muna kami at window shopping hanggang may nakita akong McDo (or Jolibee ata yun), either of the two. Of course dahil matagal akong nawala sa Pilipinas, super excited ako. Tinanong ko si mister kung anong gusto niya softdrinks ba or tubig, bottled water daw sabi niya. So bumunot ako ng 50 pesos sa bulsa ko. Hindi na ako tumingin sa menu kasi kako hindi naman kami gutom. So umorder ako ng isang small size iced tea at isang bottled water.

Nanlaki ang mata ko nung sinabi ng cashier kung magkano babayaran ko. I don't remember exactly, almost 80 pesos yata. Ang natatandaan ko kasi na price ng iced tea ay 25 pesos lang. Iyon kasi ang alam kong price noong huli akong umalis ng Pilipinas. Inulit ko pa nga sa cashier na baka nagkamali siya dahil iced tea lang at tubig ang inorder ko. Ulit nang cashier, ang total daw ay talagang ganun. Akalain mong halos 2x increase ang price ng iced tea compare to 3-5 years ago. Kahit kagagaling ko lang sa abroad, hindi naman ibig sabihin ay marami nang salapi. Sa totoo lang, kung hindi lang talaga ako uhaw that time at kung nag-iisa lang ako, ay malamang binawi ko na lang ang bayad ko. Hindi ako makamove-on that day. Noong mga sumunod na araw duon ako naging aware sa dobleng taas ng prices sa fast food chains. Dati meron kang 39ers at 50 pesos lang ay mayroon ka nang complete burger o spaghetti meal.

Hindi sa nangunguripot pero in my opinion parang malaki ang itinaas ng presyo ng mga fastfood chains. Hindi ninyo ba iyon napansin? Ni minsan ba ay may isang politiko na nagbigay atensyon how these stores managed to increase their prices in 5 to 10 years span?

Kasi tayong mga Pilipino, we adore Jollibee at McDonalds so much. Kahit nga siguro mag-ulam ng tuyo kinagabihan basta makaburger at fried chicken for lunch ay tanggap natin. Habang tayo ay isang kahig isang tuka, ang mga branches ng mga businesses na yan ay parang mushroom na nagsusulputan, dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Para sa akin, siguro masyadong malaki ang kinikita nila? Ano sa tingin ninyo, kabayan?

Napakaraming kapabayaan ang nangyari sa nakaraang administrasyon, hindi kaya napapanahon na tutukan ng gobyerno ang mga fast food chains and other similar businesses kung mayroong overpricing?

Kabayan, nawa tayo ay maging mapagmatyag.

Kung mayroon kang kuro-kuro o kaya'y paliwanag na naaayon sa post na ito, mangyari lamang na magpadala ng iyong comment.

SHARE THIS POST:

No comments :