This is a true story.
Ang buhay ng tao ay parang isang bangka. Masaya at malayang nakapagliliyag sa karagatan kapag kalmado ang panahon. Minsan ay sinusubok ng matinding alon, na kung panghihinaan ito ng loob, ay tiyak na lulubog sa kailaliman ng dagat.
Araw ng Sabado. Araw ng labada at paglilinis ng bahay. Kung tutuusin, mas maalwan ang makipagbuno sa alikabok ng aming pasimano at kabinet kaysa magtampisaw sa amoy ng floorwax habang ipinapahid ko ito sa aming lumang sahig. At hindi pa iyon natatapos duon dahil kailangan mo pang magbunot para kumintab. Ang malungkot pa nito, mano-mano ang paglalaba kasi wala kaming washing machine. Kuskos dito, kuskos doon. Dahil sa maghapong nakababad ang kamay ko sa tubig na may sabon, kulubot lagi ang balat ng aking mga kamay pagkatapos. Na-addict na nga ako sa chlorine kasi kaakibat ko ito lagi sa pagtatatanggal ng mantsa sa mga puting damit. Ang pinakamasayang sandali ko ay kapag oras na nang banlawan. Hay sa wakas, malapit na ring matapos ang aking labada. At huwag sanang umulan para matuyo ang mga sampayin at makapamalantsa ako ng school uniforms kinabukasan.
Iyan po ang aking regular weekend routine noon. Katulad ng iba pang kabataang lumaki sa hirap na kagaya ko. Pero isang araw...
Nay, kasali ho ako sa isang contest bukas, I told my mother one Friday night, hindi ako makakatulong sa inyo sa mga gawaing-bahay. Nasa third year highschool ako nang mga panahong iyon.
Kinabukasan nga ay maaga akong gumising. Kape at dalawang piraso ng pandesal ang almusal ko gaya ng nakagawian. Magkikita-kita kami nang ilan kong classmates, school adviser at trainor sa terminal papuntang Cogeo para sa Division Quiz Bee. Kabilang ako sa group competition for science, with two other senior students.
Bago ako nagpaalam sa aking ina, nakaabang ako kung magkano ang ibibigay niyang pambaon sa akin. Malamang ho ay maghapon kami duon, ang sabi ko sa kanya. Nakatitig lamang siya sa akin na hindi ko mawari kung naniniwala ba siya o hindi sa sinasabi ko. Naramdaman ko ang lungkot ng kanyang mga mata, at bahagyang iritable. Kapag ganoon ang mood niya, alam ko na ang dahilan. Wala siyang sapat na pera.
Kailangan ko hong umalis talaga kasi lalaban ako sa quiz bee. Papaiyak na ako nuon. Kahit pamasahe na lang ho papunta sa school. Maglalakad na lang ako papunta sa terminal. Sa aking maliliit na hakbang ay aabutin siguro ako about 30 minutes sa paglalakad papunta sa terminal.
Inaabutan niya ako ng pera, if I remember it right, about 4 pesos. Sapat na iyon para balikan from school to terminal. Nang mga sandaling iyon ay hindi ko na alintana kung paano ako kakain ng tanghalian kahit alam ko namang aabutin ng maghapon ang event. Higit na nangibabaw sa akin ang excitement dahil I will represent my school sa science group competition.
Habang naglalakad ako papunta sa terminal ay hindi ko mapigil mag-alala sa sitwasyon ng aming pamilya. Tila ako'y nakalutang sa dagat, nakatanaw sa kawalan at hinahayaan ko lang na dumampi sa aking pisngi ang malakas na alon. Laging na lang kaming gipit sa araw-araw na pangangailangan. Ang sakit sa dibidib isipin lalo kapag nasa mura ka pang isipan pero aware ka na sa problemang dumadagan sa iyong mga magulang.
Syempre ako'y medyo naluluha. Piit na piit kasi ay pilit kung ipinopokus ang aking atensyon sa contest na sasalihan ko. Nagdasal ako nang taimtim kay Lord na gabayan niya ako sa araw na iyon at ang buo naming team. Wika ko ay malalagpasan din ng aming pamilya ang mga pagsubok sa buhay.
Pagdating ko sa terminal ay naroon na ang ibang delegates, pati ang mga teachers. Sumakay kami sa jeepney ni Coach, ang gwapitong middle-aged driver na kilalang-kilala sa buong school namin. Mabait kasi siya at malapit ang loob sa mga estudyante.
Ang tuwa ko lang nang hindi na pinagbayad ng pamasahe kaming mga student delegates, hindi ko na lang maalala if our teachers shouldered the travel expenses. Basta alam ko may nanlibre. Yes! Sa loob-loob ko lang. May pambili na ako ng pagkain. Kadalasan kasi kahit tinapay na pande coco lang ay solve na ako for lunch. Dear God, thank you! bulong ko. Mayroon na akong extra two pesos kung sakaling ako ay magutom dahil nalibre ako sa pamasahe papuntang school.
We arrived before the contest started. Pagpasok namin sa isang room, which served as our headquarters for the day, may nakahandang snacks—sandwiches at orange juice. And it is free for all of us. Yes again! Bumulong ulit ako kay God, nakakatwo-points ka na sa akin ha. Ang bait mo po talaga. Masayang-masaya ako at malaki ang aking pasasalamat sa kanya.
While waiting for our turn sa competition, I grabbed a sandwich and one glass of orange juice. Naniguro lang naman. Kailangan may laman ang tiyan ko para kahit abutin ng after lunch ang event ay busog ako.
Maya-maya pa ay flag ceremony na. And of course hindi mawawala ang welcome remarks tuwing may events. Mayroon din na other ceremonial speeches. Then we were told about sa program proper, rules of the competition and everyone were encouraged to stay for the awarding show–kahit na winners or losers. Aba, syempre dapat may audience habang sinasabitan ng medals ang mga nanalo. Kung talo ka after the contest, I am telling you, torture ang maghintay.
Yun mga delegates ay from different highschools in the Division of Rizal, galing sa kung saan-saang parte ng Rizal province. Nagkataon lang na sa aming school ginawa ang event that year.
Sa loob ng aming room ay uupo't tatayo ang aking ginawa. Tunay na hindi mapakali ang puwet. Kabado, pero mabuti at hindi naman ako sadyang nangangatog. Sa aking hinagap, ganoon din malamang ang pakiramdam ng aking mga kasama. Hindi ba't minsan ay kinakabahan tayo kapag nare-recite sa loob ng klase? Mas higit ang kaba namin pagkat ang aming mga kalaban ay "the best of the best" of their respective schools.
Ilang oras pa ang lumipas, it was contest time. Isinusulat namin ang sagot sa mga tanong sa isang small chalkboard per team. Pasok ang team namin sa elimination round. After more questions and answers, our team and another group tied score so bale tatlong team kami striving to be in first place. I cannot recall the exact question na kung saan we wrote an answer lacking a zero. That wrong answer pulled us down to third place. Nahati ang saya. It was a bitter win. Mabuti at nanalo kahit paano but knowing we were almost there, to the chance of getting the gold trophy, but we lost it in an instant. Sa mga competition kasi, madalas none other than the first place really matters.
During the awarding ceremony, isa-isang tinawag ang mga winners. Hiyaw at palakpakan. Nakakuha ng silver medals ang tatlo kong kaklase na nanalo sa Math category. Habang ang aming team sa Science ay tumanggap ng bronze medals. Mayroon ding respective trophies para sa aming school.
Yung lungkot ko bago umalis ng bahay ay bahagyang naibsan nang isinabit sa akin ang medal. As long as you are recognized, it is still an achievement din pala. Nakakataba ng puso.
Hindi man kami nanalo ng first place, I was thankful sa aming teachers who entrusted me an academic opportunity, minsan lang mangyari iyon sa aking highschool life. Masaya rin ako dahil hindi ako lumaban nang gutom ang sikmura. Mayroong special lunch provided to us (bukod sa napakasarap na sandwich para merienda). Higit sa lahat, naitabi ko pa ang aking two pesos, at maguuwi pa ako ng medal na aking napanalunan. Alam kong maliligayahan ang aking ama't ina.
O muntik ko na palang makalimutan, may natanggap na 150 pesos ang aming team being a third place winner. Tag-fifty pesos kaming tatlo. Afterwards, papauwi na kami from school, pinasakay kami ng isang may-ari ng dyip na sinundo ang kanyang anak na sumali rin sa contest.
Sumatotal, itinabi ko ang 4 pesos na baon ko at iniabot ko ang fifty pesos na prize money kay inay nang dumating ako sa bahay. Imbes na ngiti ay luha ang nakita ko sa kanya. Deep inside I knew, tears of joy iyon.
I thanked God for the good samaritans that day. Kahit hindi maganda ang simula ng araw, the turn of events worked well to my advantage. Ewan ko na lang kung hindi ninyo napansin, I was the center of attention here. Naman—ako itong nanalig na mananaig ang aking lakas sa alon na dumating. Pilit na kumapit at nanampalatayang kakalma din ang alon. This is me winning against a stormy day. This is my highschool story.
Ako po ay nagagalak na magbahagi ng aking istorya. Kung mayoon kayong inspirational na kwento na nais ninyong iparating sa iba, kontakin lamang ako through this page. You can also like us on Facebook. Malaking tulong din po kung inyong i-share ang ating kwento ngayong araw.

SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment