WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Friday, October 13, 2017

Dream Stories: Two Nickel Coins

By: Ymatruz | Friday, October 13, 2017 Category: |
Photo credit by Jonahan Brinkhorst on Unsplash.com

Nanaginip ako noong nakaraang gabi nang ganito:

May dalawang batang lumapit sa may bintana ng aming bahay. Nakahawi ang kurtina at nakita ko ang isang batang babae na mahaba ang buhok at isang batang lalaki. Sila ay parehong nakasuot ng puting sando. May pilit silang inaabot sa akin na dalawang nickel coins pero tinanggihan ko iyon. Kung nakakita na kayo ng tinatawag nilang 5 cents sa Amerika, ganoon ang nakita kong kulay ng barya sa aking panaginip. O dili kaya ay tingnan ninyo na lamang ang nasa larawan sa itaas, ganyan ang kulay ng coins na nakita ko sa panaginip.

Hindi na muling nagpumilit ang dalawang bata at pagkatapos ay agad din silang umalis. Hindi pa nagtatagal, habang ako ay nakasilip sa may bintana ay nakita ko naman ang isang gayak na parang may malaking handaan. Sa kung kaninong bahay ay hindi ko ma-identify. Marami akong nakitang tao na nakaupo at nakapalibot ang kanilang upuan sa mahabang lamesa. Masaya sila at tila ay nag-iinuman pa nga. Mayat-maya pa ay may sumenyas nang "picture taking" kagyat nagtayuan ang lahat at nagpakuha ng group picture.

Ang sabi sa isang website, Dream of nickels implies that dreamer’s hard work will get paid. Laking panghihinayang ko na sana ay tinanggap ko ang dalawang nickel coins. Sayang talaga. Malamang ay iyon na ang signos ng katuparan para sa aking mga mithiin. Maari rin namang iyon ay magandang oppportunity na darating. Sana managinip ulit ako ng continuation ng kwento. This time, tatanggapin ko na yun coins.

SHARE THIS POST:

No comments :