WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Tuesday, December 5, 2017

Pinoy Pride in Somerville

By: Ymatruz | Tuesday, December 5, 2017 Category: |
Have you Pinoyed yet?

Madalas kapag napapasyal kami sa Somerville, NJ ay nakakatiyempo kami ng festivals at craft shows along Main St. Nakakaaliw magtingin-tingin ng sari-saring produktong ibinebenta. Lagi kaming dumadaan sa Comic Fortress (para sa mga comics at toys fans), at Crystal Palace – na maraming naggagandahang display ng enticing at sparkling Swarovski at Waterford crystals; also gifts at collectibles brands tulad ng Disney at Lenox.

Naalaala ko minsang naglalakad kami at naghahanap ng makakainan for lunch, lumiko kami sa may bandang Division St. at napadako ang aking mata sa isang banner na kulay green at may tintang orange at nakasulat ang salitang "Pinoy". I jumped out of excitement kasi very rare akong makakita ng Filipino store sa NJ. At dahil summer time, meron silang outdoor seating. Sumilip muna kami sa may bintana dahil curious kung anong itsura sa loob. I'd say, it feels like home, with cozy setup at some native arts from the Philippines.

Photo grabbed from Pinoy's Facebook page.

Inaya ko ang aking partner na duon kami kumain ng tanghalian na kanya namang sinang-ayunan. Fortunately, meron silang quite affordable buffet option from 11AM to 2pm. Kung tama ang aking pagkakatanda, the lunch costs us about 20 dollars (dalawa kami) plus drinks.

At simula nga nuon, nakailang beses na kaming pabalik-balik sa Pinoy Restaurant at makailang ulit na rin naming nakakwentuhan ang very friendly owner and chef na si Ms. Cynthia. Of course, I spread the new found Pinoy gem sa aking ibang kababayan.  Highly recommended!


Sa tuwing nagpaplano kaming kakain sa Pinoy, lagi naming naiisip na magpicture ng food pero lagi rin namang nakakaligtaan kapag na-iserve na sa amin ang pagkain. Dahil gutom at excited, nakalimutan na ang selfie.

Pero sa wakas, last July lang ay nakabalik ulit kami at nakapagsimula na kaming kumain nang maalaala ko magpicture.

Una nilang sineserve ang soup gaya ng pork sinigang o tinola. Natapos na namin ang soup kaya wala akong picture. Then, ihahain nila ang salad na may very unique dressing, at fish cakes.



This salad has a wonderful, sour-sweet, Asian-style dressing.



Ang masarap na fish cakes. Tamang-tama ang timpla.



Pagkatapos ng appetizer, ay sunod na ihahain ang main course, mula sa buffet kung iyon ang pinili mo o yung specific dish na inorder mo mula sa menu. Paborito namin ang buffet para maraming matikman. Sulit na sulit, ika nga.

However, kung sanay kayo sa mga Chinese buffet restaurants, gaya ng Flaming Grill, na ikaw ang kukuha ng pagkain mo mula sa buffet table, ang lunch buffet ng Pinoy ay personal na iseserve sa iyong table. Pero papipiliin ka muna nila kung ano ang gusto mong ilagay sa plato mo. At take note, dahil buffet pede ka magrequest ng another plate, without additional charge. But on our experience, mula sa soup to the main plate, solved na ang gutom mo. Paiba-iba rin naman ang menu kaya magugustuhan mong bumalik-balik talaga.

Ginisang toge na may tofu.



They also serve lumpiang shanghai and barbecue para sa appetizers; crispy pata, glazed chicken, bokchoy and chicken curry as main entrees, which are available if you order from the menu. Their grilled squid is fantastic!

Fried rice, adobo, afritada, Bicol express at pansit bihon mula sa buffet option noong araw na iyon.



For dessert, halo-halo at homemade ice cream gaya ng pandan, ube (purple yam), jack fruit, mango at queso. Nasubukan na yata namin lahat ng flavors at lahat ay talagang masarap. Minsan, kapag meron silang baked bibingka, i-ooffer din nila yun as an option.



By the way, Pinoy are not serving alcoholic drinks but they allow BYOB kung gusto mong uminom ng red wine habang inienjoy ang Filipino pride cuisine. Available din ang Coke, calamansi juice or  coconut juice.

Boodle Fight. Photo grabbed from Pinoy's Facebook page.

Kung kayo ay interesadong matikman ang great food at excellent service ng Pinoy, pumunta lamang kayo sa 18 Division St. Somerville, NJ. Ito ay walking distance lang mula sa Somerville Train Station. Tumatanggap din sila ng catering orders at reservation for boodle fight (group food na nakahain sa banana leaves). Bisitahin ang kanilang Facebook page para sa karagdaganng information.

SHARE THIS POST:

No comments :