ni Julius Adelan
iba't iba ang problema ng tao
may tungkol sa pera, kung minsan ay negosyo,
pamilya, kasama, ekonomiya, mga pangyayaring lehitimo
pero talakayin natin ang isang makabuluhang kwento
siya si remedios, isang ulilang lubos
maagang nasawi ang magulang dahil sila ay hikahos
gamot sa mga karamdaman, wala silang pang tustos
kaya hindi nakayanan ang sakit na sa kanila'y tumapos
upang mabuhay kinailangan nyang kumayod
dampian ang sikmura kapag gutom, samahan ng hagod
naglako, nagbenta, gabi't umaga hindi inda ang pagod
dis-oras ng gabi balot ang karga, sawayin man ng tanod
hanggang sa dumako na siya ay nagdadalaga na
sumapit ang edad na siya'y labing lima
hindi na sapat kinikita sa paglalako't pagtitinda
kaya humanap ng mapapasukan upang matustusan ang sarili nya..
mula pasig hanggang sa balintawak
naghanap ng papasukan kahit sya ay yapak
kahit hindi sanay sa lugar na malawak
siya ay nagtungo kung saan mga manloloko ay talamak
kinupkop, pinatuloy pinangakuang magkakatrabaho
binihisan, pinakain sinuutan ng laso
sinakay sa kotse, sabay abot ng pabango
hanggang sa humantong sa isang madilim na kwarto
siya'y nalilito, kinakabahan ang damdamin
nagtiwala agad, mali kanyang inaamin
mga pinamudmod ay isa lamang palang pain
paano makakatakas tangkang nais niyang gawin
siya'y inihiga ng isang bigotilyong matanda
at nang manlaban isang suntok sa sikmura
dalangin at dasal kasabay ng pagtulo ng luha
sakit at hapdi ang dinanas ng inosenteng bata
sa pinaikling kwento sana kayo ay may napala
sa panahon ngayon ay huwag na basta basta magtiwala
kilatising mabuti bago gumawa
alamin ang pagkakaiba ng bago sa luma, at masalimuot sa payapa
Copyright © Julius Adelan
SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment