PART 2 of 2 Basahin ang unang bahagi dito.
Madalas tuwing linggo, nakikita ko si tatay na nagbabasa ng Manila Bulletin sa may tapat ng
buhay namin. Naghihiram siya ng dyaryo na itinitinda ng kapitbahay na
may-ari ng sari-sari store.
Friends
naman sila kaya okey lang iyon.
Pagkaminsan ay uuwi siya
at hahagilapin ang kanyang diksyunaryo. May parte iyon na parang
nasunog na or parang inaanay na sa kalumaan ang mga pahina. Ganoon
ang gawi niya kaya siguro natuto siya na magsalita at magsulat ng
ingles. Lalo na at politika ang pag-uusapan, alam ni tatay ang
paligoy-ligoy. Kasi nga ay naiintindihan niya ang nakasulat sa
dyaryo. Tuwing eleksyon nga, kung sino ang bet
niya, yun din ang iboboto
naming magkakapatid.