ni Acda
Ikaw ang unang makakaramdam
Sa loob mong may nananahan
Aakalain mong ikaw ay may sakit
Yun pala meron ng sayo ay nakakapit
Sa unang tatlong buwan
Mayroong tila ba nahihirapan
Mayroon ding nadadalian
At ang iba ay parang wala lang
Mahihilo, maduduwal, at walang gana
Ni maligo o magtootbrush ay di makaya
Asawa mo sayo ay tatawa-tawa
Akala niya yata'y madali ang magdala
Masasabihan ka pang maarte at maselan
Eh sa ganon maglambing sa loob ng t'yan
Mapili sa pagkain at madaling umayaw
Walang magagawa kung yun ang sigaw
Sa pagtulog mo'y hirap na hirap
Kahit makailan ka pang hikab
Makakakuha ng pwestong ukol
Biglang lilikot ang nakabukol
Sa huling buwan ng pagdadala
Makakaranas ng matinding kaba
Aakalaing ikaw ay madudumi
Ikaw pala ay maiihi sa huli
Sa siyam na buwan na paghihirap
Walang katumbas pag siya'y nakaharap
Unang iyak niya'y musika sa pandinig
Ang mayakap siya'y magpapalakas ng bisig
Siya'y may kakaibang ligayang dala
Ang isilang siya ay tila hiwaga
Ang lahat ay sabik na sabik
Lalo na sa ngiti niyang nakakaadik
Salamat po aming Panginoon
Sa anghel na ibinigay mo ngayon
Siya'y aming pakaiingatan
Mamahalin ng walang hanggan.
Copyright © ACDA
SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment