WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Wednesday, May 30, 2018

Ang Bangka ng Pagibig

By: Ymatruz | Wednesday, May 30, 2018 Category: | |
Paano yayaon ang bangka
Kung ang sagwan ay nag-iisa?
Kung ang irog mo ay hindi
Isang ilog na tuloy-tuloy
Ang daloy
Ng kanyang puso
Patungo sa iyo?
Ika'y isang isla na nag-iisa sa gitna,
Naiwan, o iniwan
Sa angking lawak ng karagatan,
Ika'y nanlalamig na balsa.
Walang haplos ng alon
Ang hindi mo naipon
Sa maghapon.
Sa bawat bulong ng hangin
Naririnig mo ang katagang
"Mahal kita ngunit...
may mahal na akong iba."
Ika'y nakaabang
Naglalayag sa kawalan
Umaasang siya'y babalik din
Hindi bilang isang alaala
Umaasa kang ngingisi rin
Ang bagong umaga
Para sa inyong dal'wa
Subalit, sa bawat ngiti
Ng ulap
Luha mo ang pumapatak
Ang hangad mong sa halip
Na hawak-kamay
Kayong magsasagwan,
Hayun at tanaw mo
Ang kanyang bangka
Nakahalik na sa dalampasigan.



SHARE THIS POST:

No comments :