WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Monday, September 12, 2016

Kasaysayan 101: José P. Rizal , Pambansang Bayani ng Pilipinas

By: Ymatruz | Monday, September 12, 2016 Category:

Si José Protasio Rizal na ating pambansang bayani ay hinatulan sa pamamagitan ng "firing squad" noong December 30, 1896 sa Luneta. Diumanong dahilan ng paghatol sa kanya noong panahon ng Kastila ay pag-uudyok sa rebelyon, sedisyon at pakikipagsabwatan sa mga miyembro ng rebolusyonaryong grupo ng Katipunan.

Nagsimula ang hinala kay José Rizal mula nang kanyang sinulat ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tumutuligsa sa mga prayle at awtoridad ng simbahan na sinasabing nagbigay inspirasyon sa mga rebolusyonaryo.

Minsan niyang hinamon sa pamamagitan ng "duel" ang isang Kastilang kritiko na tumuligsa at minaliit ang kanyang pamilya na hindi nakakapagbayad ng renta sa kanilang tinitirahan. Nang dahil sa hamon ay naglabas ng "public apology" ang komentarista at simula noon ay naging masugid na tagahanga ng ating pambansang bayani.

Ang kanyang huling tula na isinulat ay "Mi Último Adiós" (sa Ingles ay The Last Farewell) na isinalin ni Andres Bonifacio sa titulong "Pahimakas ni Dr. José Rizal".

#recallHistory #kalesajournal #kasaysayan101 #history

SHARE THIS POST:

No comments :