WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Friday, September 2, 2016

Ang Takot ng Kabataan

By: Ymatruz | Friday, September 2, 2016 Category:

Walang hintong kaguluhan. Mga musmos na walang kinalaman sa pinag-aawayan kung anu pa man ang nagdurusa. Sa kalagitnaan ng labanan sa Syria at Gitnang Silangan, hindi ko maalis sa isip na mangamba at maawa para sa mga batang namamatay sa giyera. Ninakawan sila ng pagkakataong mabuhay at maging masaya. Nasaan ang hustisya? Tila at nahimlay na rin ito.


Umuulan ng bulalakaw sa kasikatan ng araw
Bumabaha ng malalaking bato, na s'yang
Bumabara sa daluyan ng tubig dagat
Papuntang silangan ng pag-asa
Nagsusumamo ang ulan
Makinig ka.

Dumadagundong sa kanilang kapaligiran
Kasunod ay pagsabog ng puting abo
Umiiyak mga kabataang ulila na
Ay nasawi pa sa laban ng iba
Kaloob na katarungan
Nasaan?

Katarungang bulag, naglakad sa ibabaw
Ng libingang walang marka, kahit
Alam na ang nakahimlay roon
Ay mga bata't inosenteng
Angel sa lupa.


ENGLISH TRANSLATION:

"Fear of Children"

Meteor iced rain in the middle of summer heat
Giant rocks powdered rapidly in the air
Clogging the river flow to the sea
Going to imaginary east of hope.
The rain begs
Enough.

The rumbling sounds of explosions echo around
Each time white ashes fall to the ground
Orphaned children frighten and cry
Then die not from their wars.
Justice is served
Where?

Blinded justice walked over
Unmarked graves, aware
That lying there
Are innocent
Angels.

© 2016 Ymatruz


SHARE THIS POST:

No comments :