Bumibigat ang higaan
Dumidilim ang salamin na dati'y
Tanglaw ng mga bituin.
Ang makinis na balat ay
Unti-unting natutuklap
Gaya ng playwud na inaanay
Sa tag-ulan.
Bumilang ng maraming taon
Nang pagkaalipin
Mula sa sakit na walang lunas
Malala pa sa kanser ng lipunan
Na kung magbabago ang tao
Ay bubuti ang paligid.
Ngunit hindi ang sakit ng lahi
Na gamot ay natatangi
Bukas makalawa
Inumin man ang reseta
Pipikit pa rin ang mata
At di na muling mumulat
Kahit pilitin man.
Ang tulang ito ay alay para kay dating Senadora Miriam Defensor Santiago (1945 -2016) na tinaguriang "Iron Lady of Asia" at "The Best President the Philippines never had". Kayo po ay laging aalalahanin ng sambayanang Pilipino.

SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment