Damdamin ng isang mag-aaral na hindi masabi sa iba kung kaya't isinulat na lamang sa isang pirasong papel habang nilalagyan ng tono, hindi pakanta kundi patula.
Sa simula'y sabik sa pagpasok
Bitbit aking panulat at mga notebook
"Narito na ako..", bulong sa aking sarili
Sa institusyong kaytagal kong minithi.
Nagmamasid, nakikiramdam
Bagong mga mukha sa aking tabihan
Pa-class ang iba, kunwang abala ang ilan
Astang astig ang isa sa nginunguyang bubblegam.
Maya-maya pa'y dumating na si Sir
Dala kanyang class record pati rin eraser
Matatas sya sa ingles, nauutal sa tagalog
Pag ikaý tinitigan, dibdib moý kakabog.
Tuwing may eksamin, naglipana ang kodigo
Maluluma si Mam sa talamak nilang istilo
Kahit sa pag-upo, mayroong cheating arrangement
Aba't magkakawangis pati kanilang assignment!
Naglalakad minsan sa kaprasong corridor
Nang may marinig na hiyaw, banda rin sa first floor
Pinilit kong alamin para lamang magtaka
Kumbakit ang maestro'y tinutuya nila.
Pumapanglaw ang tingin ko sa silid na yaon
Upasala'y kumakalat at dumadagundong
Kahit sinasaway sa kaingayang dala
Estudyante'y bingi, ni walang nakikita.
Balot nang panghihinayang, nilisan kong lugal
Alinlangan nang bumalik sa aking pag-aaral
Edukasyon, hindi ba ay natatanging pamana?
Sukat mong inaabuso at sinasamantala!

SHARE THIS POST:
No comments :
Post a Comment