WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Tuesday, October 24, 2017

Sa Pagkalma ng Alon: A Highschool Story

By: Ymatruz | Tuesday, October 24, 2017 Category: | |
This is a true story.

Ang buhay ng tao ay parang isang bangka. Masaya at malayang nakapagliliyag sa karagatan kapag kalmado ang panahon. Minsan ay sinusubok ng matinding alon, na kung panghihinaan ito ng loob, ay tiyak na lulubog sa kailaliman ng dagat.

Friday, October 20, 2017

Kwentong OFW: Magkano na ba ang Jollibee at McDo Meals Ngayon?

By: Ymatruz | Friday, October 20, 2017 Category: |
Noong 2013, nagbakasyon ako sa Pilipinas at tumuloy kami ng aking asawa sa isang hotel sa Makati for one night, dahil hatinggabi na kami dumating sa airport. Kinaumagahan, nag-aya akong pumunta kami ng mall pagkatapos naming magsimba saglit sa Sto.Nino de Paz Chapel in Greenbelt. Medyo nagikot-ikot muna kami around kahit kainitan ng araw. Panay puri nga ako kasi maganda at malinis ang paligid at madami na ring nabago sa lugar.

Tuesday, October 17, 2017

Opinion: Bam Aquino's Hacking Claim is Hard to Believe

By: Ymatruz | Tuesday, October 17, 2017 Category: |
Ilang araw akong nagmuni-muni kung isusulat ko ba o hindi ang aking speculation on Bam Aquino's claim about email breach.

Masyadong masalimuot ang politika. I'm not a big fan of bullying. Lalo na kung kagaya ng usong-uso ngayon sa Facebook na online war ng pro-Duterte at anti-Duterte bloggers and their respective followers. Minsan, nate-tempt especially kapag nakakabasa ako ng mga istoryang puno ng kasinungalingan na kadalasan ay galing sa opposition at LP (Liberal Party).

Friday, October 13, 2017

Dream Stories: Two Nickel Coins

By: Ymatruz | Friday, October 13, 2017 Category: |
Photo credit by Jonahan Brinkhorst on Unsplash.com

Nanaginip ako noong nakaraang gabi nang ganito:

May dalawang batang lumapit sa may bintana ng aming bahay. Nakahawi ang kurtina at nakita ko ang isang batang babae na mahaba ang buhok at isang batang lalaki. Sila ay parehong nakasuot ng puting sando. May pilit silang inaabot sa akin na dalawang nickel coins pero tinanggihan ko iyon. Kung nakakita na kayo ng tinatawag nilang 5 cents sa Amerika, ganoon ang nakita kong kulay ng barya sa aking panaginip. O dili kaya ay tingnan ninyo na lamang ang nasa larawan sa itaas, ganyan ang kulay ng coins na nakita ko sa panaginip.

Tuesday, October 3, 2017

Munting Tula: Paalam

By: Ymatruz | Tuesday, October 3, 2017 Category: |
"Paalam"

Katuwang ko ang alon
Sa paglimot ng kahapon
Sa kailaliman ng dagat
Duon ay ibabaon ko
Ang ating masayang alaala