WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Saturday, February 24, 2018

Sa Pagputok ng Bulkang Mayon

By: Ymatruz | Saturday, February 24, 2018 Category: | | | |
Naglalawang mga luha
ang sa kanya'y nagmumula,
mabilagsik na apoy
sa katawan niya'y dumadaloy.
Sa kailaliman ng gabi,
tumataghoy ang marami
pagkat naiwang ulila,
kanilang palayan at dampa.

Kung kailan nga hihinto
ang pag-ulan ng abo,
pag-aalburuto ng Mayon
kailan matatapos iyon?
Maaalab na dasal
binibigkas nilang banal
nawa'y agad tumahimik
bungangang yari sa putik.



Basahin ang iba pang mga tula.


SHARE THIS POST:

No comments :