JOIN US! Sakay na sa KALESA at samahan ninyo kami sa paglalakbay! Bisitahin ang aming Submissions page.

WHAT IS KALESA?



Nais nang KALESA na maging patnubay at kabahagi ng Philippine arts and culture.

Tuesday, June 27, 2017

Foreigner Ang Boyfriend Ko - Part 2

By: Ymatruz | Tuesday, June 27, 2017 Category:

Sabik na umuwi si Ivy kasabay ng kanyang pamilya. Halos lumipad siya papasok sa loob ng bahay dahil sa sobrang excitement. Kunwaring sinasabayan ang kanta sa kanyang telepono pero ang totoo feel na feel niya ang lyrics ng love song na pinapakinggan niya. Dali-dali siyang umakyat sa itaas ng kanilang bahay at pumunta sa kanyang kuwarto.

Habang nakaupo sa kama ay tinawagan niya si Neri. Simula pa pagkatapos ng kanilang dinner ay magkachat na ang dalawa. Pero syempe, iba ang kwentuhan sa telepono. Nagdial sa landline si Ivy. Nang sumagot ng Hello ang kausap ay alam na niyang si Neri ang sumagot.

"Girl, pumayag si Daddy na magbowling na kasama si Ron. Dapat andun ka ha", ani Ivy kay Neri sa kabilang linya. "Si Ron na ang bahalang mag-aya kay Peter. Excited much ako. Sana sumama si CA."

"CA?..sinong? --Ahh", medyo nalilitong tanong ni Neri. Pero mabilis din niyang naintindihan kung sino ang tinutukoy ni Ivy. Alam mo naman ang mga girls mahilig sa name coding, lalo na pagdating sa kanilang mga crushes. "Anong outfit natin, sister?", ani Neri. "Bowling attire talaga? Masikip na kasi yun damit ko baka hindi na kasya sa akin."

"Eh di kahit anong isuot mo basta dapat mas seksi ako sa'yo, sis!"sabi ni Ivy. "Ipeprepare ko ang susuutin ko mamaya. Tapos send ko sa'yo ang picture." 

Nagkuwentuhan pa ng husto ang magkaibigan. Samut-saring topics, mostly girls talk at about boys, malamang.

Si Neri at Ivy ay naging magkaibigan simula pa nang sila ay nasa gradeschool. Nagsimula iyon ng nadapa si Ivy habang naglalakad sa walkway ng school nila at tinulungan siya ni Neri na makatayo.

Si Neri ay yung tipong matapang sa unang tingin pero sweet deep inside. Palaban kasi siya. Si Ivy, sweet din pero clumsy. Hanggang ngayon naman, medyo clumsy pa din ang ating bida. Mabuti na lang maganda siya. Hindi masyadong napapansin ng mga cute guys ang kanyang pagkalamya dahil sa mukha niya nakafocus ang kanilang atensyon. Maganda rin ang hugis ng kanyang katawan. Head-turner, wika nga nila.

Hindi rin kalayuan ang bahay nina Neri. Same subdivision pero nasa Phase III and bahay nila. Ang bahay nina Ivy ay nasa Phase I at mas malapit sa main entrance ng isang kilalang gated subdivision sa Quezon City. Sabay silang gumradweyt ng gradeschool at highschool sa parehong paaralan. Nagkahiwalay lang sila pagdating sa college dahil magkaiba ang kursong kanilang kinuha.


– TO BE CONTINUED –





SHARE THIS POST:

No comments :