Home » Archives for 2017
Wednesday, December 6, 2017
Hugot ni Juan: Na-Dengvaxia ka ba?
By:
Ymatruz
|
Wednesday, December 6, 2017
Category:
Dengue
|
Dengvaxia
|
Poetry
Be the first to comment!
Umuwi si Ate isang araw; matamlay at may sinat
Hindi pa naghahapuna'y umaapoy na ang lagnat
Talima si Nanay, hindi mawari ang gagawin
Si Tatay, abala sa bukid para kami'y may makain.
Hindi ko alintana ang gutom ng aking sikmura
Pinagmamasdan ko si Ate at ang maputla niyang mukha
Kaninang umaga lang ay masaya kaming naglalakad
Naaaliw sa mga bulaklak na namumukadkad.
Tuesday, December 5, 2017
Pinoy Pride in Somerville
Madalas kapag napapasyal kami sa Somerville, NJ ay nakakatiyempo kami ng festivals at craft shows along Main St. Nakakaaliw magtingin-tingin ng sari-saring produktong ibinebenta. Lagi kaming dumadaan sa Comic Fortress (para sa mga comics at toys fans), at Crystal Palace – na maraming naggagandahang display ng enticing at sparkling Swarovski at Waterford crystals; also gifts at collectibles brands tulad ng Disney at Lenox.
Friday, November 17, 2017
Filipino Words & Spoken Poetry Bloggers - Updated
By:
Ymatruz
|
Friday, November 17, 2017
Category:
Editor's Note
|
Inspiration
|
Poetry
|
Spoken Poetry
Be the first to comment!
We are collecting list of Filipino poetry bloggers (spoken and written) to follow, support, and for posting dito sa Kalesa Journal.
Maaari ninyong ipadala ang pangalan ng inyong grupo or kung may alam kayong aktibo sa pagsusulat o pagsasadula ng tula online or sa inyong school or community, sa pamamagitan ng pag-comment sa ibaba, o pagpapadala ng mensahe sa aming Facebook page, or pag-tweet sa @kalesajournal.
Spoken Poetry
Hugot ni Juan: Bakit Kay Pait ang Naging Kapalit ng Tapat na Tiwala?
ni Julius Adelan
iba't iba ang problema ng tao
may tungkol sa pera, kung minsan ay negosyo,
pamilya, kasama, ekonomiya, mga pangyayaring lehitimo
pero talakayin natin ang isang makabuluhang kwento
siya si remedios, isang ulilang lubos
maagang nasawi ang magulang dahil sila ay hikahos
gamot sa mga karamdaman, wala silang pang tustos
kaya hindi nakayanan ang sakit na sa kanila'y tumapos
Friday, November 10, 2017
Philippine Festival & Events on Arts, Culture & Writing
Listahan ng Philippine Festival & Events na ukol sa Arts, Culture & Writing. Ipadala ang inyong events o mag-komento sa ibaba ng post upang maidagdag natin sa listahan.
Thursday, November 9, 2017
Lintik lang ang Walang Ganti
Lintik lang ang walang ganti,
hiyaw ko
sa insektong kumagat
sa aking braso,
napakasakit
at pulang-pula sa maga.
Wednesday, November 1, 2017
Silang mga Balo ng Marawi
Ang isang ina
kapag naiwang nag-iisa,
wala nang kaagapay
sa paggabay
sa kanyang tatlong supling,
Tuesday, October 24, 2017
Sa Pagkalma ng Alon: A Highschool Story
By:
Ymatruz
|
Tuesday, October 24, 2017
Category:
Essay
|
Inspiration
|
Short Story
Be the first to comment!
This is a true story.
Ang buhay ng tao ay parang isang bangka. Masaya at malayang nakapagliliyag sa karagatan kapag kalmado ang panahon. Minsan ay sinusubok ng matinding alon, na kung panghihinaan ito ng loob, ay tiyak na lulubog sa kailaliman ng dagat.
Ang buhay ng tao ay parang isang bangka. Masaya at malayang nakapagliliyag sa karagatan kapag kalmado ang panahon. Minsan ay sinusubok ng matinding alon, na kung panghihinaan ito ng loob, ay tiyak na lulubog sa kailaliman ng dagat.
Friday, October 20, 2017
Kwentong OFW: Magkano na ba ang Jollibee at McDo Meals Ngayon?
Noong 2013, nagbakasyon ako sa Pilipinas at tumuloy kami ng aking asawa sa isang hotel sa Makati for one night, dahil hatinggabi na kami dumating sa airport. Kinaumagahan, nag-aya akong pumunta kami ng mall pagkatapos naming magsimba saglit sa Sto.Nino de Paz Chapel in Greenbelt. Medyo nagikot-ikot muna kami around kahit kainitan ng araw. Panay puri nga ako kasi maganda at malinis ang paligid at madami na ring nabago sa lugar.
Tuesday, October 17, 2017
Opinion: Bam Aquino's Hacking Claim is Hard to Believe
Ilang araw akong nagmuni-muni kung isusulat ko ba o hindi ang aking speculation on Bam Aquino's claim about email breach.
Masyadong masalimuot ang politika. I'm not a big fan of bullying. Lalo na kung kagaya ng usong-uso ngayon sa Facebook na online war ng pro-Duterte at anti-Duterte bloggers and their respective followers. Minsan, nate-tempt especially kapag nakakabasa ako ng mga istoryang puno ng kasinungalingan na kadalasan ay galing sa opposition at LP (Liberal Party).
Masyadong masalimuot ang politika. I'm not a big fan of bullying. Lalo na kung kagaya ng usong-uso ngayon sa Facebook na online war ng pro-Duterte at anti-Duterte bloggers and their respective followers. Minsan, nate-tempt especially kapag nakakabasa ako ng mga istoryang puno ng kasinungalingan na kadalasan ay galing sa opposition at LP (Liberal Party).
Friday, October 13, 2017
Dream Stories: Two Nickel Coins
By:
Ymatruz
|
Friday, October 13, 2017
Category:
Dream Stories
|
Short Story
Be the first to comment!
Photo credit by Jonahan Brinkhorst on Unsplash.com |
Nanaginip ako noong nakaraang gabi nang ganito:
May dalawang batang lumapit sa may bintana ng aming bahay. Nakahawi ang kurtina at nakita ko ang isang batang babae na mahaba ang buhok at isang batang lalaki. Sila ay parehong nakasuot ng puting sando. May pilit silang inaabot sa akin na dalawang nickel coins pero tinanggihan ko iyon. Kung nakakita na kayo ng tinatawag nilang 5 cents sa Amerika, ganoon ang nakita kong kulay ng barya sa aking panaginip. O dili kaya ay tingnan ninyo na lamang ang nasa larawan sa itaas, ganyan ang kulay ng coins na nakita ko sa panaginip.
May dalawang batang lumapit sa may bintana ng aming bahay. Nakahawi ang kurtina at nakita ko ang isang batang babae na mahaba ang buhok at isang batang lalaki. Sila ay parehong nakasuot ng puting sando. May pilit silang inaabot sa akin na dalawang nickel coins pero tinanggihan ko iyon. Kung nakakita na kayo ng tinatawag nilang 5 cents sa Amerika, ganoon ang nakita kong kulay ng barya sa aking panaginip. O dili kaya ay tingnan ninyo na lamang ang nasa larawan sa itaas, ganyan ang kulay ng coins na nakita ko sa panaginip.
Tuesday, October 3, 2017
Munting Tula: Paalam
Katuwang ko ang alon
Sa paglimot ng kahapon
Sa kailaliman ng dagat
Duon ay ibabaon ko
Ang ating masayang alaala
Saturday, September 16, 2017
Mahabang Sanaysay: Epoxy, Opisyal na Lahok, 2017 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Part 2
PART 2 of 2 Basahin ang unang bahagi dito.
Madalas tuwing linggo, nakikita ko si tatay na nagbabasa ng Manila Bulletin sa may tapat ng
buhay namin. Naghihiram siya ng dyaryo na itinitinda ng kapitbahay na
may-ari ng sari-sari store.
Friends
naman sila kaya okey lang iyon.
Pagkaminsan ay uuwi siya
at hahagilapin ang kanyang diksyunaryo. May parte iyon na parang
nasunog na or parang inaanay na sa kalumaan ang mga pahina. Ganoon
ang gawi niya kaya siguro natuto siya na magsalita at magsulat ng
ingles. Lalo na at politika ang pag-uusapan, alam ni tatay ang
paligoy-ligoy. Kasi nga ay naiintindihan niya ang nakasulat sa
dyaryo. Tuwing eleksyon nga, kung sino ang bet
niya, yun din ang iboboto
naming magkakapatid.
Mahabang Sanaysay: Epoxy, Opisyal na Lahok, 2017 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Part 1
Sinubukan kong magpasa ng isang lahok sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Alam kong ako'y hindi pinalad sapagkat anong petsa na ay hindi pa ako nakarinig ng magandang balita mula sa kanila. Ganunpaman, aking ibabahagi sa inyo ang aking ipinasang sanaysay. Medyo mahaba-habang basahin ito kaya aking ipinapayo na bakit hindi ka muna magtimpla ng kape bago mo ito basahin. Mainam nang may mainit kang iniinom habang nagbabasa bago ka mayamot dahil kasing haba ito ng nobela. Imagine mo yun feeling na ikaw ay nasa Starbucks. Pabasa-basa. Pasosyal-sosyal. Informal essay daw dapat ang ilahok kaya heto ang aking istorya.
Tuesday, June 27, 2017
Foreigner Ang Boyfriend Ko - Part 2
Sabik na umuwi si Ivy kasabay ng kanyang pamilya. Halos lumipad siya papasok sa loob ng bahay dahil sa sobrang excitement. Kunwaring sinasabayan ang kanta sa kanyang telepono pero ang totoo feel na feel niya ang lyrics ng love song na pinapakinggan niya. Dali-dali siyang umakyat sa itaas ng kanilang bahay at pumunta sa kanyang kuwarto.
Saturday, June 24, 2017
Liham ng isang OFW sa kanyang Ama
Una kong inilathala ang tulang ito sa aking English website. Ngunit nais kong ilipat ang aking ilang Tagalog na likha dito sa Kalesa Journal. Kung mapapansin ninyo, may ilang artikulo akong patungkol sa aking ama. Siya ang dahilan kaya nagsimula akong mag-blog, para maibsan ang aking lungkot sa kanyang pagkawala dito sa mundong ibabaw.
Wednesday, June 21, 2017
Dream Stories: Ginaw na Ginaw sa Panaginip
By:
Ymatruz
|
Wednesday, June 21, 2017
Category:
Dream Stories
|
Short Story
Be the first to comment!
Ikuha mo ako nang puting kumot, sabi ng matandang lalaki sa aking panaginip.
Nakahubad siya at napapabaluktot habang nanginginig. Ginaw na ginaw sa tingin ko. Nakita ko rin na malapit sa aking mga mata ang kanyang ulunan, ngunit wari ko'y wala akong napansin na buhok. Madilim ang paligid pero may naaaninag akong munting liwanag na nakafocus sa kanya. Hindi ako sigurado kung manipis ang katawan ng matandang lalaki o iyon ay dulot lamang na madilim na kapaligiran. Nagising na ako kinaumagahan subalit hindi mawala sa isip ko ang aking panaginip nang gabing yaon.
Friday, June 9, 2017
Dream Stories: Ayaw Ko Nang Horror Movies
Mahilig ka bang manood ng sine? Good. Marami ka sigurong libreng movie passes. Kasi naman, mahal ang sine ngayun ha! Kaya nga ang iba, nagkakasya na lang sa pag-aabang ng pelikulang ipapalabas sa TV.
Tuesday, June 6, 2017
Practical Lessons: Kabayan, bakit ka nga ba hirap sa buhay?
Kabayan, bakit ka nga ba hirap sa buhay? Naitanong mo na ba ito sa sarili mo? Naisip mo ba ang tunay na dahilan?
Saturday, January 21, 2017
Foreigner Ang Boyfriend Ko - Part 1
Ang pangarap ni Ivy ay makasali sa FAB's club tulad ng kanyang mga
kakilala. Ibig sabihin ng FAB ay Foreigners Ang Boyfriend. Ewan, basta
yun ang goal niya after makagraduate ng kursong Tourism mula sa isang
sikat na university na kanyang pinapasukan. At hirit pa niya, gusto nya
nang blue eyes na baby.
Monday, January 16, 2017
Ang Kariton
Lulan ng kanyang kariton
ay maghapong pagod,
isang kilong bigas,
dalawang lata ng sardinas
at isang pirasong sibuyas
na nakabalot sa dyaryo.
Call For Submission: Bukambibig's Issue 03 ‘Disasters'
If you are a spoken poetry artist, Filipino and living in the Philippines or abroad, now is your time to shine!